THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, July 23, 2011

Huweh?

dear blog,

before anything else, i would like to thank my fans first for missing me. Thank you fanns! You know who you are so i do not have to point out all your names. (haha,assuming to d max!)


ahem..

(clearing my throat)

eto na...



minsan sa buhay, kailangan ding magkahiwahiwalay
para ang presensiya ng bawat isa ay ma-miss mong tunay.
mga tawanan at biruan na matagal ding pinagsalu-saluhan
at mga kaibigang nandiyan sa oras ng iyong kahinaan.


Sa mga oras, araw, linggo at buwan na nagdaan,
ang sikretong ito ay aaminin ko sa inyo lamang.
Minsan naisip kong huwag magparamdam,
sa mga kadahilanang ako lang ang nakakaalam.


(Akala nio siguro na ang sekretong iyon ay sasabihin ko dito?
kaso nagkamali kayo dahil nagbago ang isip ko)=)


Alam nio naman na si junalen ay may pagkasentimental na tao,
sensitibo at minsa'y sira pa ang ulo.
umiiyak din na parang loko
at hindi naman inaano pero panay ang reklamo.
hindi ko rin alam kung para saan ang phrase na ito,
at basta na lang isiningit dahil pare-pareho ang dulo.


Magkagayunman, sana inyong tandaan
na hindi man ako sa inyo'y makapagparamdam,
iyon ay sa kadahilanang ako'y buhay pa,
at pakaining baboy lamang.


nakakatuwang isipin na maraming taong sa aki'y naghahanap pa rin.
kahit ang totoo ay
isa lang naman talaga sa kanila ang pinagkakautangan ko.

hahahahaha...


dito na po nagtatapos ang munti kong tula,
dahil ang totoo ay wala lang talaga akong magawa.
Nainggit lang ako sa dami ng posts ng iba,
kaya naisip kong magdagdag na rin para may mabasa naman sila.

sana ang post na ito ay hindi mabura dahil aminin ko man o hindi, ito ay walang kakwenta kwenta.. haha


-Junalen

0 comments: