THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Thursday, April 1, 2010

Zagoo-profile para sakin!

Dear Dumb Diary,

Good Eve,
My name is Kim, isa sa member ng Zagoo, well, di ku alam kung panu mag start ng kwento kaya ganito na lang..
sa mga susunod na sasabihin ku pipilitin kung i describe kung sino sino kami sa grupo.

let's start with Charvilie Cantonjos, kung merong tanggera, bungangera o basurera sa ibang grupo, si charbi ang aming "GM-ggera" ang girl next door na hindi mabubuhay ng walang cellphone, kapag di sya nag reply sayo, its either ayaw ka nyang ktxt or regular ang load nya.. matalino toh and one of the masisipag sa klase, sasabihin nyang di sya nag review pag may test, pero wag ka sa ilalabas nyang reviewer na ginawa nya before matulog.. makulit at sooper girly... ang pang huling description ko.. babaing bading haha.. kasi maraming ka chorvahan ang lalabas sa kanyang keme.. gets?

next stop, si Armai Sanchez, ang lola ku sa grupo.. kasi sya ang pinaka matanda sa amin, palaban at waray kung umasta, rapper din yan di lang halata, sooper matalino sa math kaya di ku lubos maisip pa rin kung bakit napunta ng journalism yan eh, anyway, matangkad, model type pero (pare yan kung kumilos) haha.. and believe it or not sya rin yung pinaka mabait sa amin, kahit ngayon ku lang nawari na meron pa lang mabait sa amin haha.. at ang pang huling banat.. TAGAPAG TANGGOL ng mga na aapi.. nag iiba ang dugo nyan kapag may ka aaway sa room lalo pa kung lalaki.. nako walang in aatrasan yan.. parang si bayuman ba. :)

susunod, si Jonalyn Quintal, a.k.a ang batang api
haha.. kasi sya ang sumalo ng lahat ng pang aasar ng grupo, pero believe it or believe it, isa rin yan sa matatalino, pocketbookworm yan kung may ganyan ngang term sya ang na ang magiging meaning, haha.. at kahit ganyan yan, kung wala sya siguro.. wala kaming kasiyahang mang api hahaha.. 50% sense of humor yan, 50% alwayz late :) mahilig sa old songs kahit na mas matanda pa ku sa kanya, ewan ku ba dun at ang pinaka weird sa mga ka weirduhan mahilig sya sa wrestling.. triple H, ang madalas kwento ng kanyang mga bunganga.. nalulungkot kapag natalo.. i mean, di ba?? hello! hahaha.. well, siguro nga kanya-kanyang trip lang yan, mabait sa kapatid as in to the highest level ng sooper highest, (taas noh) asset din yan ng grupo, pikit-mata kung tinanggap yun dahil wala naman saming hindi asset ng grupo eh.. haha kala mu ah, at ang pang huling banat, malupit yan pag dating sa mga words, walking dictionary ika nga..

Fevie Liel Payuyao, mejo takot aku dito sa taong to kaya hinay-hinay lang aku sa pang hahamak ngayon, haha.. cracklings ang dati kung tawag dyan, dahil muntik na kung sumunod nung minsang utusan nya kung pabilhin ng cracklings noon, magaling mag report, english man o tagalog at wag ka minsan (take note: MINSAN) haha.. natatalo nya pa ang buong klase sa exam, pero minsan lang naman yun para humble naman daw, siga din toh kaya't ang isang tulad ku ay walang panama. pero kahit ganun pa man, mataas ang tingin ku sa kanya maliban sa matangkad sya (oo na lahat na lang kayo) ehem.. eh kina iingitan ku yan sa kasipagan, responsible, hard working, ( o tama nang kasinungalingan! bayad ku?) hahaha..

si Jonaly Diaz (Jodie) tama! dalawa silang Jonalyn ng grupo pero sooper mag kaiba, ito yung tipo ng taong minsan lang bumanat. misan lang maramdaman kahit complete attendance, pero pag nagutom sya at nag yayang kumain, parang awa muna samahan mu kagad kung hindi biglang mawawala yan para kumain mag isa. matalino din to, at ang nag iisang masipag sa grupo namin, siya lang ang gumagawa ng assignment sa bahay, at re check na lang pag dating sa room, mataas ang lahat ng grades nya at super galing din sa pag sulat ng mga articles, kahit nakapikit nga kaya nya eh.. :) mabilis din yan mag lakad katunayan nga nyan sya ang palaging nauuna at nananalo sa karera ng pag uwi, araw-gabi, gabi-araw :) huling banat, mabait na kapatid yan, tipong si kapatid ang mag dadala ng baon nilang dalawa palagi palagi.. bait noh! dinaan sa pag ka ate ang lahat haha..

ang panghuli, si Geraldine Miciano, ang nag iisang reyna ng grupo haha.. pano kanya na lahat, sya lang ang magaling mag english tipong call center :) sya rin lang ang may boypren, sya rin ang treasurer sya na lahat hahaha (bitter?) anyway, hindi rin naman masamang ka groupo yan si ge, kasi magaling din bumanat yan at sya rin ang palaging may topak, bigla na lang yan mag sasayaw o kekendeng, walang plastikan sa kanya kering-keri ang lahat pati ang mini skirt haha taray! matalino rin yan at masipag ngunit pag tinamad ayun, wala na haha..

wOooO! sana mabuhay pa ku pag nabasa to ng mga ka grupo ko, sa mga susunod na blog post yung kanila naman ang mababasa nyo abangan ang pag ganti nila.. :) at ako si KIM MEI LING TAN nagsasabing "I so love this guyz so much" God bless :)

Love: KIM MEI LING TAN

0 comments: