THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Friday, July 2, 2010

"EMO ng Musica"
by Quintz
Kapag may problema, ikaw ang aking kasama.
Sa kanlungan mo, nakakita ako ng ginhawa;
Magagawa kong mag-isa basta nasa tabi kita
dahil alam kong maibabalik mo ang aking sigla.
Dahil sa iyo nakakalimot ako.
Sa bilis ng tempo, nawawala ang sama ng loob ko.
Bumabalik ang ngiti na dati ng nahawi...
Dahil nandyan ka, masasabi kong kaya ko pa.
Gustuhin ko mang kumausap ng iba,
ngunit bakit hindi ko makaya?
Natatakot akong baka hindi nila maintindihan
ang bigat ng aking dinadala.
Madaling magbigay ng payo,
tanggapin ito kung alam mong tama at totoo.
Ngunit sa dami ng payong natanggap ko
ni isa hindi nagpagaan sa loob ko.
Hindi ko alam kung bakit?
ang pag-iisa ay tila anino na.
Aanhin mo naman kasi ang kasama
kung puro sama ng loob lamang ang dala?


0 comments: