THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Saturday, July 30, 2011

URGENT!!!!

Well anyway urgent nga ba ito? Hehe super natutuwa naman ako dahil kahit paano ay napapansin pa rin natin ang ating blog at grup sa fb kahit na ang bz na ng ating buhay este kayo lang pala. Miss ko na kayo, walang bagong balita sa akin ganun pa din ang ganda ko pa rin hahaha... Nga pala urgent ang title nito dahil urgent kong ginagawa toh ngayon at baka matagalan ang aking pagpaparamdam. Sana wag natin makalimutan ang isa't isa PLEASE, haha nagmakaawa? kayo lang kasi ang kaibigan ko eh.. hahahaha..... Masaya ko na nakilala ko kayo... Sana bukod kay Geraldine meron na magkabf isa sa inyo lalo na yung isang inlove dyan hahaha... para naman may bagong issue tayo pag uusapan... Basta sa Sept ah at Sa OCtober kitakits tayo... Ang magkuripot at di mag ipon isusumpa ko hahahah. May Kasabihan nga tayo di ba, "KUNG GUSTO MAY PARAAN KUNG AYAW MARAMING DAHILAN" kaya umayos kayo...


Oh panu bayii na out na ko eh...


ang inyong pinakamatandang kaibigan,
nagmamahal,
sumasainyo,
MAYANG SANTOS

SULAT PARA SA AKING MGA KAIBIGAN

Dear, fellow friends

Kamusta? anu ng balita sa inyo? Salamat naman sa inyo at hindi nyu pa rin nakakalimutang mag post dito. At sa layo ng ating mga kinaroroonan isa lang ang hiling ko sa inyong lima (di ka kasama pare) ehem..

sa lahat po ng mga naka basa ng ginawa ni pare..( yung recent post nya lang ah) ehem..

1.) patawad at na-aksaya ang inyong precious time para basahin yun..
2.) aku na ang humihingi ng dispensa sa lahat ng nag effort na alaamin at hanapin ang kasagutan ukol sa kanyang matagal na hindi pag paparamdam at nabigo dahil sa wala naman palang impormasyon doon.
3.) at pangatlo, pasintabi sa lahat ng kanyang mga "rhyme words" na ginamit na muntik na sanang mag rhyme.
4.) at pang huling banat, salamat sa inyong mahabang pang uunawa sa ating kaibigang ito, na kahit dinungisan ng malala ang ating blog, eh sya yun eh..

Maraming salamat sa inyong panahon at patawad muli sa kanyang ginawa,

Nag mamahal,
<3 KIM <3



MABAIT NA PARE,

pis tayo!! hahahaha.. kaw naman kasi, pambihira, minsan na lang mag post ay, di pa nilagyan ng mga mahahalagang impormasyon ba, tulad ng love story ninyo ni cabagnot, o kaya yung love triangle nyo ni triple H, mga ganun ba.. para naman masayang basahin very informative ang dating :) haha.. dapat yung tipong ma touch kami.. :)) hahaha..

Saturday, July 23, 2011

Huweh?

dear blog,

before anything else, i would like to thank my fans first for missing me. Thank you fanns! You know who you are so i do not have to point out all your names. (haha,assuming to d max!)


ahem..

(clearing my throat)

eto na...



minsan sa buhay, kailangan ding magkahiwahiwalay
para ang presensiya ng bawat isa ay ma-miss mong tunay.
mga tawanan at biruan na matagal ding pinagsalu-saluhan
at mga kaibigang nandiyan sa oras ng iyong kahinaan.


Sa mga oras, araw, linggo at buwan na nagdaan,
ang sikretong ito ay aaminin ko sa inyo lamang.
Minsan naisip kong huwag magparamdam,
sa mga kadahilanang ako lang ang nakakaalam.


(Akala nio siguro na ang sekretong iyon ay sasabihin ko dito?
kaso nagkamali kayo dahil nagbago ang isip ko)=)


Alam nio naman na si junalen ay may pagkasentimental na tao,
sensitibo at minsa'y sira pa ang ulo.
umiiyak din na parang loko
at hindi naman inaano pero panay ang reklamo.
hindi ko rin alam kung para saan ang phrase na ito,
at basta na lang isiningit dahil pare-pareho ang dulo.


Magkagayunman, sana inyong tandaan
na hindi man ako sa inyo'y makapagparamdam,
iyon ay sa kadahilanang ako'y buhay pa,
at pakaining baboy lamang.


nakakatuwang isipin na maraming taong sa aki'y naghahanap pa rin.
kahit ang totoo ay
isa lang naman talaga sa kanila ang pinagkakautangan ko.

hahahahaha...


dito na po nagtatapos ang munti kong tula,
dahil ang totoo ay wala lang talaga akong magawa.
Nainggit lang ako sa dami ng posts ng iba,
kaya naisip kong magdagdag na rin para may mabasa naman sila.

sana ang post na ito ay hindi mabura dahil aminin ko man o hindi, ito ay walang kakwenta kwenta.. haha


-Junalen

Friday, July 15, 2011

Hoy Blog...ah..teka muna count ko lang mga nagawa ko waittt...
ayan tapos na ako.
Ayun, wala pa rin ako balitang bago sa pandinig.Pero salamat na rin kay kagalang-galang na Kim at my summar made info na ako sa iba.
Wal talga eh, bakit kay Fevie at Ghe walang definite news. Asan na kaya sila?
sana maayos pa rin ang kulot na buhok ni Geraldine,
mPAyat..este..slim pa rin si FeVIE
makpal na ulet ang kilay na binawasan ni Quital,
may gelatin pa rin kina Mayang,
at moody pa rin si chaRvie.
hehehe..
si kim?...ok lang mabasa ang cp wag lang mawala an cam nia para sa nxt time na pagkikita namin present parin yun..hehe
at syempre dapt singkit pa rin siya.haha
nag pala marami akong lesson dito sa job site ko.
1st:love is truly blind!
2nd: love is assuming!
3rd:love is...hoping an sana hindi sila kaso sila talaga..kay balik tayo sa love is blind.hahaha
yung bosing ko kasing girl..nagulat ako dahil ang layo ng looks niya sa looks ng bf nia.haha..buti na lang pasok pa rin sa banga ng konti.
sige na nga naniniwala na ako.
mabait siya, mabait din siya so..love is mabait!hahaha

Thursday, July 14, 2011

Hi Blog...
pasensya na ngaun lang ako nag post...
pero dadaan lang muna ako dahil time na ako eh...
saka na ako mag popost dito kapag mejo maluwag na ang oras...
hehehehe...
anywaysZzZzZZz...
MISS YOU ALL ZAGOOOO...
KELAN TAU MAG-VISEOKE HUH??? HEHEHE
INGAT PALAGI AND GOD BLESS.. ^_^


YOURS TRULY,
CHARVIE ^_^

React ba kamo?

hay naku guys binasa ko ang recent na post ni Kimnapper Tan dito sa ating blog at natuwa naman ako,pero may mga maling info about sa akin. Una di po ako masaya apo,kung alam mo lang ayoko lang damdamin lahat ng problema ko kasi baka bigla kayo pumunta sa Bulacan para sa libreng biscuit at kape. totoo yun kaya nga din ako madalas may load atsaka libreng load kasi yun.Pangalawa,"HINDI KO PO MINAMALIIT ANG NATAPOS NATIN SIGURO YUNG SARILI KO OO PERO HINDI ANG DEGREE NATIN LAHAT!!! SADYANG HINDI AKMA SA AKIN ANG PAGKUHA NUN, INIS LANG DIN AKO sa sarili ko kasi di ko mapatunayan yung tinapos ko naturingan na Cum laude pa ko...Malay ko ba na ganun yung pressure na haharapin ko dahil sa honor na yan, natapos ko ang apat na taon pero inaamin ko na hindi ako magaling magsulat at para pa nga pambata yung mga gawa ko..... haizt... at nga pala kaya ako nagpalit ng name ay dahilsa may tinataguan po ako na nilalang....

Tuesday, July 12, 2011

ISTORYANG UPDATE


hello blog,


nakita kung may recent post si jodie ah.. parang kami lang dalawa tuloy ang may paki alam dito.. :) anyway, mag uupdate ako sa mga kasamahan kung pare.. sa pamamagitan ng isang kwento.

Isang araw, matapos ang graduation, lahat kami naging active sa pag gamit ng internet.. hindi dahil sa dun lang kami nag ka time na mag internet ng libreng oras kung hindi dahil na rin sa pag hahanap ng trabaho.. anjan ang Jobs DB at Jobstreet etc. na sinisingit sa pag ffb..

Matapos ang ilang weeks.. isa-isang nawawala sa fb ang mga recent post ng status.. may iba jan na nag palit pa nga ng pangalan.. may iba jan na sa txt na lang nag paparamdam.. at yung iba dead-ma..

ANG HULI KUNG MGA BALITA:

si GERALDINE, nag bakasyon sa kanyang bukirin at ng maka uwi, ang update lang sa pesbuk ay pangangamusta lang sa madlang chenelyn..

si JONALYN Q. nag emo, mag isang nag lalakad para sa kanyang "searching" para sa trabaho.. minsan lang mag fb.. as in one's a month yata.. sa txt lang nag iingay mukhang maraming load.. haha.. ^_^- hirap akung mag update sa kanya kasi naligo sa ulan ang cp ku at hindi na nag cha2rge..

si ARMAI (MAYANG) ang nag palit ng pangalan sa fb.. di ku alam kung san nya nakuha yun pero malay ku ba dun.. huli ku syang nakausap ng personal nung nag punta ku sa coc.. mukha namang masaya sya.. hahaha ^_^- sa tingin ku at sa mga narinig ku sa mga kwento nya masyado nyang minamaliit ang natapos nya.. (pero lolamai AJAH! nasa isip mu lang lahat yan)

si CHARVILIE.. isa sa mga ehem.. "nag papayaman" haha.. ang balita ku may trabaho na sya at sa BDO pa nga daw.. ayun.. minsan ku lang makita ang mga status nya sa fb.. it's either "badtrip" or soooooper happy" ang laman ng status.. di aku mag gugulat kung meron na ring love life tong bruhang to eh.. ayiee <3

si JONALYN D. isa pang "nag papayaman" di ku actually alam kung anu yung specific na trabaho nya pero kasama nya yung ilan naming classmates.. hmm.. balita ku rin malapit ng dumating ang "cheke ng pinag pa guran" sabi nila arnie na kasamahan nya sa trabaho.. at lahat ng pwede pang malaman eh nandun nga sa recent post nya..

may nakalimutan ba ku.. hmmm... one, two, three, four, five.. alam ku pito kami ah.. ^_^-

si FEVIE.. hehe.. kasi naman, sya sa lahat ang pinaka mahirap lagyan ng update dahil nga sa naligo sa ulan yung cp ku.. di ku ala kung nag ttxt sya.. hmm.. huli kung balita nag hahanap sya ng tabaho at tlgang ang inuuna nyang applyan is yung mga bigating cmpany.. :) di aku mag tataka kung one day makita ku sya sa likod nung reporter ng flash report sa TV (ayun o) haha..

at ako KIM TAN, ay ang nag sulat ng kabal balang ito, so in short. mahaba ang oras ku.. di nman aku tambay.. pero mejo ganun na rin.. on call photographer/videographer aku ng CCT ngayon.. isang Christian Comapany sa may taft. pero one's na magustuhan nila yung mga works ku hopefully maging regular aku.. :) sama nyo ku sa prayers nyu ah..

so ayun, medyo napahaba ang update ku.. till nxt time.. mish you ol guyz so match! God bless!!